Saturday, January 23, 2021

ANG BIBLIYA

 

ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

Kabanata 1

(VIDEO) ANG BIBLIYA AY SALITA NG DIYOS




A.    ESPESYAL NA LIBRO NG DIYOS.                                                                                                  
Hindi ito pangkaraniwang libro, sapagkat ito ay isang makapangyarihang libro. Isinulat ito ng maraming iba’t ibang mga tao, sa iba’t ibang panahon na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.     

      2 Timoteo 3:16 Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, …  

       Nananatili itong nangunguna sa lahat ng aklat sa kasaysayan sa dami ng nalimbag na kopya mula noon hanggang sa kasalukuyan. Isinulat sa tatlong kontinente, sa tatlong magkaibang salita, Hebreo, Aramaiko at Griyego. Ang Bibliya ay naisalin ng mga taong mayroong dedikasyon upang malaman natin ang mga Salita ng Diyos, saloobin at plano.

      Ang Bibliya ay isa rin sa pinakalumang libro sa buong mundo. Ang pinaka sinaunang mga bahagi ng Bibliya ay nagsimula noong halos 4,000 taon. Gayunpaman ito pa rin ang pinaka-modernong aklat sa ngayon; dito natin makikita ang mga pinakadakilang katanungan sa buhay:

Ø  “ Saan ako nagmula?”

Ø  “ Bakit ako nandito?”

Ø  “ Saan Ako Papunta?”

Binubuo ng animnapu’t anim (66) na iba’t ibang aklat, ng may apatnapung (40) manunulat na mayroon lamang itong isang pangunahing tema: Ang maibiging plano ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan.

      Ang Bibliya ay nahahati sa dalawang seksyon : Ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan.

     ‘ Ang Lumang Tipan ay nagsasabi sa atin tungkol sa gawain ng Diyos sa kanyang mga tao bago ang kapanganakan ni Jesus. Nasusulat naman sa Bagong Tipan ang tungkol sa pagsilang ni Jesus, Kanyang buhay, Kanyang dakilang ministeryo ng pagpapagaling at kapatawaran para sa mga taong may sakit at makasalanan, Kanyang kamatayan sa krus, Kanyang pagkabuhay na mag uli mula sa mga patay at ang Kanyang pag-akyat sa langit.

      Sinasabi din sa atin ang pagpapatuloy ng Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng mga taong sumunod sa turo ni Jesus. Sila ay gumagawa ng maraming himala tulad ng kanyang sinabi, na gagawin nila.

       Juan 14 :12 Pakatandaan ninyo : ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.

       Ang aral ng mga nakakita sa Kanya pagkatapos na Siya ay muling mabuhay sa mga patay ay nakapaloob sa mga Epistles (Sulat). Ang mga ito ay sa loob ng unang limampung taon makalipas ang pagkabuhay na muli ni Hesu-Kristo. Halos binubuo ng mga ito ang kalahati ng Bagong Tipan.

       Ang pinakamahalagang relasyon na maaari kang magkaroon sa buhay na ito ay sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya ay mauunawaan mo kung ano ang Diyos, ang Kanyang mga saloobin, ang Kanyang mga plano, at Mga pangako niya para sayo.

A.    MATATAGPUAN RITO ANG PINAKA MALAKING PANGAKO SA MUNDO.

      Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, Kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

B.    (VIDEO) ANG LAYUNIN NG SALITA NG DIYOS 


“ … Ang Banal na Kasulatan … Nagagawa kang maging marunong para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Hesus.

      2 Timoteo 3:15-16 15Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, …

      2 Pedro 1:3-4 3Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo’y mabuhay na maka-Diyos. Ito’y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang karangalan at kabutihan. 4Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos.

 A.   (VIDEO) ANG SALITA NG DIYOS AY NAGBIBIGAY BUHAY. 


  Juan 6:63b Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay.

     Matapos tukuyin ang Kanyang sarili bilang ang Tinapay ng Buhay. Iginiit ni Jesus na ang kumakain lamang ng kanyang laman at umiinom ng kanyang dugo ang makakasumpong ng buhay na walang hanggan. Sa mga naunang talata, itinuro ni Jesus na ang “tinapay na mula sa langit’’ ay isang tao na kung saan ay inaasahan ng Diyos na maniniwala ang sanlibutan.

     Juan 6:27 Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong Karapatan.”

      Malimit sa ating mga tao ay abala sa ating pang araw-araw na ikabubuhay. Nauunawaan natin na kailangan natin ng pisikal na pagkain at inumin.

      Mateo 4:4 Ngunit sumagot si Jesus, ‘‘Nasusulat , ‘Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’’

      Samakatuwid, ang ating pisikal na katawan ay nangangailangan ng pagkain. Ganon din naman, ang ating espiritu ay kailangan ng Salita ng Diyos. Ang tinapay ay Salita ng Diyos at iyon ang sumusuporta sa atin. Si Hesus ang tinatawag na Salita ng Diyos na dumating sa mundo at naging laman.

      Juan 1:14a Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling naming.

Ang Salita ng Diyos din ang Tinapay ng Buhay.

      Juan 6:48 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay.

      Sinabi ni Hesus na ang tinapay na pinagputol putol niya ay ang kanyang katawan at ang kopa na iniinom nila ay ang bagong tipan sa kanyang dugo, na ibinuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

      Mateo 26:26-28 26Habang sila’y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan. 27Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa kanila. Sinabi niya, ‘‘Uminom kayong lahat nito 28sapagkat ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.

      Ang kanilang pakikiisa sa pagkain at pag-inom ay naging simbolo ng kanilang pananampalataya kay Cristo. Tulad din ng pisikal na pagkain na nagbibigay buhay sa lupa, ang sakripisyo ni Kristo sa krus ay nagbibigay naman ng buhay na walang hanggan.

     

 

 

 

     

















    

 

             

Saturday, November 21, 2020

II. (VIDEO) Bakit nga ba natin dapat maniwala na mayroong buhay na walang hanggan?

 


Dapat nating paniwalaan na mayroong buhay na walang hanggan sapagkat ito ay ipinangako ng Diyos.

A.    PANGAKO NG DIYOS

1 Juan 2:25 At ito naman ang ipinangako sa atin ni Cristo, ang buhay na walang hanggan.

     Anong klaseng Diyos ba ang nangako at dapat nating panghawakan ang bagay na ito? Ang Diyos lang naman na Hindi nagbabago at hindi man lang nagsisinungaling sa kanyang pangako at sumpa. Na nagbigay ng pag-asa sa atin para sa buhay na walang hanggan.

B.    HINDI SINUNGALING

Hebreo 6:18 Hindi nagbabago at hindi man lang nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: Ang kanyang pangako at sumpa. Kaya’t tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya.

       Tito 1:2 at bigyan sila ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito’y ipinangako na ng Diyos na kailanma’y hindi sinungaling.

       Mga Bilang 23:19 Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.

       Dahil sa laki ng pag -ibig niya sa atin ay ibinigay ang kanyang kaisa-isang Anak.

       Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, Kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

       Malinaw na kanyang sinabi na sa pamamagitan ng ating pananampalataya ay magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

       Juan 6:47 Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.

       Juan 3:36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

       Juan 5:24 “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.

       Sa oras na ika’y manampalataya sa Panginoong Hesus ay mayroon ka na agad ng buhay na walang hanggan katulad ng kanyang sinabi na may buhay na walang hanggan, Pangkasalukuyan hindi niya sinabi na magkakaroon. Halimbawa na lamang katulad ng pagkuha mo ng life insurance, Sa oras na makumpleto mo ang lahat ng kailangan para dito ikaw ay sakop na ng insurance. Hindi yung kung kaylan ka lamang maaksidente o may masamang mangyari sayo.        

       1 Juan 5:13 Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.

       Ilan lamang ang mga talatang ito na nagpapatunay na sa pamamagitan ng pananampalataya ay magkakamit tayo ng buhay na walang hanggan. Isinulat ito sa Bibliya upang ating malaman ang patungkol dito.

C.    ANG NANGAKO AY WALANG HANGGANG DIYOS.

Mga Awit 90:2 Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalang, hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.

         Ang Diyos na ito ay walang hanggan sa kapangyarihan na ang oras at kalawakan ay hindi maaaring gapusin o tukuyin Siya. Lumikha siya ng isang sansinukob na walang simula at wakas.

        Genesis 1:1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;

        Pahayag 22:13 Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.

        Halimbawa na lamang kung alukin ka ng isang tao ng isang bagay na wala naman siya, hindi ba’t mahirap paniwalaan. Kung sabihin sayo na kung sasali ka sa kanilang organisasyon ikaw ay yayaman at hindi naman sila mayayaman. Hindi ba’t mahirap makumbinsi. Kaya nga karamihan sa mga manloloko sa ngayon ay nagpapanggap para lamang maniwala ka at mahikaya’t ngunit sa huli “ SCAM na pala”  Subalit ang Diyos alam natin na walang hanggan kung kaya’t kaya niyang ibigay at ipangako ang bagay na iyon. Ito ay isang libre lamang na kaloob ng Diyos.

         Efeso 2:8-9 8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

        Bilang mga mananampalataya kailangan nating mabuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos. Mamuhay tayo ng may kabanalan sa kanyang harapan. Katulad ng kanyang sinabi patay ang pananampalatayang walang gawa.

        Santiago 2:17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

        Paano mo paniniwalaan ang buhay na walang hanggan kung hindi mo makuhang manampalataya sa kanyang mga salita.

        Juan 3:12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, Paano pa ninyo mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit?

        Higit sa lahat …

D.    ANG DIYOS AY PAG-IBIG

1 Juan 4:8b sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Ibig ng Diyos na tayo’y makasama niya sa kanyang kinaroroonan.

       Juan 17:24 “ Ama, sila ay ibinigay mo sa akin at nais kong makasama sila sa kinaroroonan ko upang makita nila ang karangalang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig.

       Hanggang sa muli pa mga kapatid paki like and share upang maabot natin ang mga hindi pa lubos na nakakakilala sa Panginoong Hesus. Isang mapag-palang araw. GOD BLESS US ALL !!!



Wednesday, November 18, 2020

I. (VIDEO) Paano nga ba tayo magkakaroon ng Buhay na Walang hanggan?


 

     Sino nga bang tao ang di naghahangad ng buhay na walang hanggan? Maraming mga pag-aaral na ginawa upang makamit ang baga'y na ito ng mga siyensya. Subalit ang katanungang ito ay matagal ng sinagot ng Bibliya.

     Bilang mga tao dapat nating tanggapin na tayo ay may pagkakasala sa harapan ng Diyos. Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala,at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

     Lahat tayo ay nagkasala sa kanyang paningin kaya't nararapat lamang natin itong pagbayaran. Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaranng kasalanan ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

     Nalalaman natin na ang ating Panginoong Jesus ay nagkatawang tao at nanirahan sa piling ng mga alagad. Juan 1:1,14 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Roma 5:8 Namatay siya sa   Krus ng kalbaryo para sa ating mga kasalanan na dapat tayo ang magbayad. Pagkalipas ng tatlong araw siya'y nabuhay na mag-uli. Nakita natin ang katagumpayan nya sa kasalanan at sa kamatayan.

     "Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. 1 Pedro 1:3 Nararapat lang nating sampalatayanan na ang kanyang kamatayan ang siyang kabayaran ng ating mga kasalanan upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

      "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak,upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16

       "Kung ipapahayag mo sa iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon, At manalig ka ng buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka" Roma 10:9

       "Tanging ang pananampalataya kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus ang tunay na daan patungo sa buhay na walang hanggan, at ito'y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman" (Efeso 2:8-9)

        Ating tandaan na kailangan nating tanggapin si Hesu Kristo bilang ating Panginoon at tagapagligtas. Tayo'y maliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng Banal na Espiritu ng ating mga puso. Kailangan nating aminin na tayo'y nagkasala at nararapat lamang tayong parusahan. Ngunit ng dahil sa Panginoong Hesus tayo ay natubos sa parusang tayo ang dapat na tumanggap.

        Magtiwala tayo at sumampalataya sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Pagsisihan at talikuran ang lahat ng ito at magtiwala kay Hesus para sa ating kaligtasan.



ANG BIBLIYA

  ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA Kabanata 1 (VIDEO) ANG BIBLIYA AY SALITA NG DIYOS A.     ESPESYAL NA LIBRO NG DIYOS.                       ...