ANO ANG ITINUTURO NG
BIBLIYA
Kabanata 1
(VIDEO) ANG BIBLIYA AY SALITA NG DIYOS
2 Timoteo 3:16 Ang
lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan,
sa pagtatama sa maling katuruan,
sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, …
Nananatili itong nangunguna sa lahat ng
aklat sa kasaysayan sa dami ng nalimbag na kopya mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Isinulat sa tatlong kontinente, sa tatlong magkaibang salita, Hebreo, Aramaiko
at Griyego. Ang Bibliya ay naisalin ng mga taong mayroong dedikasyon upang
malaman natin ang mga Salita ng Diyos, saloobin at plano.
Ang Bibliya ay isa rin sa pinakalumang libro sa buong mundo. Ang pinaka
sinaunang mga bahagi ng Bibliya ay nagsimula noong halos 4,000 taon. Gayunpaman
ito pa rin ang pinaka-modernong aklat sa ngayon; dito natin makikita ang mga
pinakadakilang katanungan sa buhay:
Ø “ Saan ako nagmula?”
Ø “ Bakit ako nandito?”
Ø “ Saan Ako Papunta?”
Binubuo ng animnapu’t anim (66) na
iba’t ibang aklat, ng may apatnapung (40) manunulat na mayroon lamang itong
isang pangunahing tema: Ang maibiging plano ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan.
Ang Bibliya ay nahahati sa dalawang seksyon : Ang Lumang Tipan at ang
Bagong Tipan.
‘ Ang Lumang Tipan ay nagsasabi sa atin tungkol sa gawain ng Diyos sa
kanyang mga tao bago ang kapanganakan ni Jesus. Nasusulat naman sa Bagong Tipan
ang tungkol sa pagsilang ni Jesus, Kanyang buhay, Kanyang dakilang ministeryo
ng pagpapagaling at kapatawaran para sa mga taong may sakit at makasalanan,
Kanyang kamatayan sa krus, Kanyang pagkabuhay na mag uli mula sa mga patay at
ang Kanyang pag-akyat sa langit.
Sinasabi din sa atin ang pagpapatuloy ng
Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng mga taong sumunod sa turo ni Jesus. Sila
ay gumagawa ng maraming himala tulad ng kanyang sinabi, na gagawin nila.
Juan 14 :12 Pakatandaan ninyo : ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.
Ang aral ng mga nakakita sa Kanya pagkatapos na Siya ay muling mabuhay sa mga patay ay nakapaloob sa mga Epistles (Sulat). Ang mga ito ay sa loob ng unang limampung taon makalipas ang pagkabuhay na muli ni Hesu-Kristo. Halos binubuo ng mga ito ang kalahati ng Bagong Tipan.
Ang pinakamahalagang relasyon na maaari kang magkaroon sa buhay na ito ay sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya ay mauunawaan mo kung ano ang Diyos, ang Kanyang mga saloobin, ang Kanyang mga plano, at Mga pangako niya para sayo.
A. MATATAGPUAN RITO ANG PINAKA MALAKING PANGAKO SA MUNDO.
Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, Kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
B. (VIDEO) ANG LAYUNIN NG SALITA NG DIYOS
“ … Ang Banal na Kasulatan … Nagagawa
kang maging marunong para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay
Kristo Hesus.
2 Timoteo 3:15-16 15Mula
pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng
kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16Ang
lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng
katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at
sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, …
2 Pedro 1:3-4 3Tinanggap
natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo
sa atin upang tayo’y mabuhay na maka-Diyos. Ito’y dahil sa ating pagkakilala
kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang
karangalan at kabutihan. 4Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at
napakahalagang pangako upang makaiwas tayo sa nakakasirang pagnanasa sa
sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos.
A. (VIDEO) ANG SALITA NG DIYOS AY NAGBIBIGAY BUHAY.
Juan 6:63b Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay.
Matapos tukuyin
ang Kanyang sarili bilang ang Tinapay ng Buhay. Iginiit ni Jesus na ang
kumakain lamang ng kanyang laman at umiinom ng kanyang dugo ang makakasumpong
ng buhay na walang hanggan. Sa mga naunang talata, itinuro ni Jesus na ang “tinapay
na mula sa langit’’ ay isang tao na kung saan ay inaasahan ng Diyos na maniniwala
ang sanlibutan.
Juan 6:27 Huwag
ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi
nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng
Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong Karapatan.”
Malimit sa ating mga tao ay abala sa ating pang araw-araw na ikabubuhay.
Nauunawaan natin na kailangan natin ng pisikal na pagkain at inumin.
Mateo
4:4 Ngunit sumagot si Jesus, ‘‘Nasusulat , ‘Ang tao’y
hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig
ng Diyos.’’
Samakatuwid,
ang ating pisikal na katawan ay nangangailangan ng pagkain. Ganon din naman,
ang ating espiritu ay kailangan ng Salita ng Diyos. Ang tinapay ay Salita ng
Diyos at iyon ang sumusuporta sa atin. Si Hesus ang tinatawag na Salita ng Diyos na dumating sa
mundo at naging laman.
Juan 1:14a
Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa
piling naming.
Ang Salita ng Diyos din
ang Tinapay ng Buhay.
Juan
6:48 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay.
Sinabi ni Hesus
na ang tinapay na pinagputol putol niya ay ang kanyang katawan at ang kopa na
iniinom nila ay ang bagong tipan sa kanyang dugo, na ibinuhos para sa
kapatawaran ng mga kasalanan.
Mateo 26:26-28 26Habang
sila’y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos
ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito
at kainin. Ito ang aking katawan. 27Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos
at ibinigay iyon sa kanila. Sinabi
niya, ‘‘Uminom kayong lahat nito 28sapagkat ito ang aking
dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo
ay mabubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.
Ang kanilang pakikiisa sa pagkain at pag-inom ay naging simbolo ng
kanilang pananampalataya kay Cristo. Tulad din ng pisikal na pagkain na
nagbibigay buhay sa lupa, ang sakripisyo ni Kristo sa krus ay nagbibigay naman
ng buhay na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment