Sino nga bang tao ang di naghahangad ng
buhay na walang hanggan? Maraming mga pag-aaral na ginawa upang makamit ang
baga'y na ito ng mga siyensya. Subalit ang katanungang ito ay matagal ng
sinagot ng Bibliya.
Bilang mga tao dapat nating tanggapin na
tayo ay may pagkakasala sa harapan ng Diyos. Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala,at walang sinumang
nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
Lahat tayo ay nagkasala sa kanyang
paningin kaya't nararapat lamang natin itong pagbayaran. Roma 6:23 Sapagkat
kamatayan ang kabayaranng kasalanan ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na
walang hanggan, sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.
Nalalaman natin na ang ating Panginoong
Jesus ay nagkatawang tao at nanirahan sa piling ng mga alagad. Juan 1:1,14 Ngunit
ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng mamatay si Cristo para sa
atin noong tayo'y makasalanan pa. Roma 5:8 Namatay siya sa
Krus ng kalbaryo para sa ating mga kasalanan na dapat tayo ang magbayad.
Pagkalipas ng tatlong araw siya'y nabuhay na mag-uli. Nakita natin ang
katagumpayan nya sa kasalanan at sa kamatayan.
"Dahil sa laki ng habag niya sa atin,
tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling
pagkabuhay ni Jesu-Cristo. 1
Pedro 1:3 Nararapat lang nating
sampalatayanan na ang kanyang kamatayan ang siyang kabayaran ng ating mga
kasalanan upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
"Sapagkat gayon na lamang ang
pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang
Anak,upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan
3:16
"Kung ipapahayag mo sa iyong mga
labi na si Hesus ay Panginoon, At manalig ka ng buong puso na siya'y muling
binuhay ng Diyos, maliligtas ka" Roma
10:9
"Tanging ang pananampalataya kay
Cristo at sa kanyang ginawa sa krus ang tunay na daan patungo sa buhay na
walang hanggan, at ito'y kaloob ng Diyos, hindi
mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki
ang sinuman" (Efeso 2:8-9)
Ating
tandaan na kailangan nating tanggapin si Hesu Kristo bilang ating Panginoon at
tagapagligtas. Tayo'y maliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng Banal
na Espiritu ng ating mga puso. Kailangan nating aminin na tayo'y nagkasala at
nararapat lamang tayong parusahan. Ngunit ng dahil sa Panginoong Hesus tayo ay
natubos sa parusang tayo ang dapat na tumanggap.
Magtiwala tayo at sumampalataya sa
kapatawaran ng ating mga kasalanan. Pagsisihan at talikuran ang lahat ng ito at
magtiwala kay Hesus para sa ating kaligtasan.
No comments:
Post a Comment