Saturday, November 21, 2020

II. (VIDEO) Bakit nga ba natin dapat maniwala na mayroong buhay na walang hanggan?

 


Dapat nating paniwalaan na mayroong buhay na walang hanggan sapagkat ito ay ipinangako ng Diyos.

A.    PANGAKO NG DIYOS

1 Juan 2:25 At ito naman ang ipinangako sa atin ni Cristo, ang buhay na walang hanggan.

     Anong klaseng Diyos ba ang nangako at dapat nating panghawakan ang bagay na ito? Ang Diyos lang naman na Hindi nagbabago at hindi man lang nagsisinungaling sa kanyang pangako at sumpa. Na nagbigay ng pag-asa sa atin para sa buhay na walang hanggan.

B.    HINDI SINUNGALING

Hebreo 6:18 Hindi nagbabago at hindi man lang nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: Ang kanyang pangako at sumpa. Kaya’t tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya.

       Tito 1:2 at bigyan sila ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito’y ipinangako na ng Diyos na kailanma’y hindi sinungaling.

       Mga Bilang 23:19 Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya'y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito'y kanyang tutuparin.

       Dahil sa laki ng pag -ibig niya sa atin ay ibinigay ang kanyang kaisa-isang Anak.

       Juan 3:16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, Kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

       Malinaw na kanyang sinabi na sa pamamagitan ng ating pananampalataya ay magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

       Juan 6:47 Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan.

       Juan 3:36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.

       Juan 5:24 “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan.

       Sa oras na ika’y manampalataya sa Panginoong Hesus ay mayroon ka na agad ng buhay na walang hanggan katulad ng kanyang sinabi na may buhay na walang hanggan, Pangkasalukuyan hindi niya sinabi na magkakaroon. Halimbawa na lamang katulad ng pagkuha mo ng life insurance, Sa oras na makumpleto mo ang lahat ng kailangan para dito ikaw ay sakop na ng insurance. Hindi yung kung kaylan ka lamang maaksidente o may masamang mangyari sayo.        

       1 Juan 5:13 Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.

       Ilan lamang ang mga talatang ito na nagpapatunay na sa pamamagitan ng pananampalataya ay magkakamit tayo ng buhay na walang hanggan. Isinulat ito sa Bibliya upang ating malaman ang patungkol dito.

C.    ANG NANGAKO AY WALANG HANGGANG DIYOS.

Mga Awit 90:2 Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalang, hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.

         Ang Diyos na ito ay walang hanggan sa kapangyarihan na ang oras at kalawakan ay hindi maaaring gapusin o tukuyin Siya. Lumikha siya ng isang sansinukob na walang simula at wakas.

        Genesis 1:1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;

        Pahayag 22:13 Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.

        Halimbawa na lamang kung alukin ka ng isang tao ng isang bagay na wala naman siya, hindi ba’t mahirap paniwalaan. Kung sabihin sayo na kung sasali ka sa kanilang organisasyon ikaw ay yayaman at hindi naman sila mayayaman. Hindi ba’t mahirap makumbinsi. Kaya nga karamihan sa mga manloloko sa ngayon ay nagpapanggap para lamang maniwala ka at mahikaya’t ngunit sa huli “ SCAM na pala”  Subalit ang Diyos alam natin na walang hanggan kung kaya’t kaya niyang ibigay at ipangako ang bagay na iyon. Ito ay isang libre lamang na kaloob ng Diyos.

         Efeso 2:8-9 8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

        Bilang mga mananampalataya kailangan nating mabuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos. Mamuhay tayo ng may kabanalan sa kanyang harapan. Katulad ng kanyang sinabi patay ang pananampalatayang walang gawa.

        Santiago 2:17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.

        Paano mo paniniwalaan ang buhay na walang hanggan kung hindi mo makuhang manampalataya sa kanyang mga salita.

        Juan 3:12 Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, Paano pa ninyo mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit?

        Higit sa lahat …

D.    ANG DIYOS AY PAG-IBIG

1 Juan 4:8b sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Ibig ng Diyos na tayo’y makasama niya sa kanyang kinaroroonan.

       Juan 17:24 “ Ama, sila ay ibinigay mo sa akin at nais kong makasama sila sa kinaroroonan ko upang makita nila ang karangalang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig.

       Hanggang sa muli pa mga kapatid paki like and share upang maabot natin ang mga hindi pa lubos na nakakakilala sa Panginoong Hesus. Isang mapag-palang araw. GOD BLESS US ALL !!!



Wednesday, November 18, 2020

I. (VIDEO) Paano nga ba tayo magkakaroon ng Buhay na Walang hanggan?


 

     Sino nga bang tao ang di naghahangad ng buhay na walang hanggan? Maraming mga pag-aaral na ginawa upang makamit ang baga'y na ito ng mga siyensya. Subalit ang katanungang ito ay matagal ng sinagot ng Bibliya.

     Bilang mga tao dapat nating tanggapin na tayo ay may pagkakasala sa harapan ng Diyos. Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala,at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.

     Lahat tayo ay nagkasala sa kanyang paningin kaya't nararapat lamang natin itong pagbayaran. Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaranng kasalanan ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

     Nalalaman natin na ang ating Panginoong Jesus ay nagkatawang tao at nanirahan sa piling ng mga alagad. Juan 1:1,14 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin ng mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Roma 5:8 Namatay siya sa   Krus ng kalbaryo para sa ating mga kasalanan na dapat tayo ang magbayad. Pagkalipas ng tatlong araw siya'y nabuhay na mag-uli. Nakita natin ang katagumpayan nya sa kasalanan at sa kamatayan.

     "Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. 1 Pedro 1:3 Nararapat lang nating sampalatayanan na ang kanyang kamatayan ang siyang kabayaran ng ating mga kasalanan upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

      "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak,upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16

       "Kung ipapahayag mo sa iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon, At manalig ka ng buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka" Roma 10:9

       "Tanging ang pananampalataya kay Cristo at sa kanyang ginawa sa krus ang tunay na daan patungo sa buhay na walang hanggan, at ito'y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman" (Efeso 2:8-9)

        Ating tandaan na kailangan nating tanggapin si Hesu Kristo bilang ating Panginoon at tagapagligtas. Tayo'y maliligtas ng Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap ng Banal na Espiritu ng ating mga puso. Kailangan nating aminin na tayo'y nagkasala at nararapat lamang tayong parusahan. Ngunit ng dahil sa Panginoong Hesus tayo ay natubos sa parusang tayo ang dapat na tumanggap.

        Magtiwala tayo at sumampalataya sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Pagsisihan at talikuran ang lahat ng ito at magtiwala kay Hesus para sa ating kaligtasan.



ANG BIBLIYA

  ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA Kabanata 1 (VIDEO) ANG BIBLIYA AY SALITA NG DIYOS A.     ESPESYAL NA LIBRO NG DIYOS.                       ...